1 - Si Adam, si Seth, si Enos;
2 - Si Cainan, si Mahalaleel, si Jared;
3 - Si Enoch, si Mathusalem, si Lamech,
4 - Si Noe, si Sem, si Cham, at si Japhet.
5 - Ang mga anak ni Japhet: si Gomer, at si Magog, at si Dadai, at si Javan, at si Tubal, at si Mesec, at si Tiras.
6 - At ang mga anak ni Gomer: si Askenaz at si Riphath, at si Thogorma.
7 - At ang mga anak ni Javan: si Elisa, at si Tharsis, si Chithim at si Dodanim.
8 - Ang mga anak ni Cham: si Chus, at si Misraim, si Phuth, at si Canaan.
9 - At ang mga anak ni Chus: si Seba, at si Havila, at si Sabtha, at si Racma, at si Sabtecha. At ang mga anak ni Racma: si Seba, at si Dedan.
10 - At naging anak ni Chus si Nimrod: siya ang nagpasimulang naging makapangyarihan sa lupa.
11 - At naging anak ni Misraim si Ludim, at si Ananim, at si Laabim, at si Nephtuim,
12 - At si Phetrusim, at si Chasluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at si Caphtorim.
13 - At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth,
14 - At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo,
15 - At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo,
16 - At ang Arvadeo, at ang Samareo, at ang Hamatheo.
17 - Ang mga anak ni Sem: si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram, at si Hus, at si Hul, at si Gether, at si Mesec.
18 - At naging anak ni Arphaxad si Sela, at naging anak ni Sela si Heber.
19 - At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake: ang pangalan ng isa'y Peleg; sapagka't sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
20 - At naging anak ni Joctan si Elmodad, at si Seleph, at si Asarmaveth, at si Jera,
21 - At si Adoram, at si Uzal, at si Dicla;
22 - At si Hebal, at si Abimael, at si Seba;
23 - At si Ophir, at si Havila, at si Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joctan.
24 - Si Sem, si Arphaxad, si Sela;
25 - Si Heber, si Peleg, si Reu;
26 - Si Serug, si Nachor, si Thare;
27 - Si Abram, (na siyang Abraham.)
28 - Ang mga anak ni Abraham: si Isaac, at si Ismael.
29 - Ito ang kanilang mga lahi: ang panganay ni Ismael, si Nabajot; saka si Cedar, at si Adbeel, at si Misam,
30 - Si Misma, at si Duma, si Maasa; si Hadad, at si Thema,
31 - Si Jetur, si Naphis, at si Cedma. Ito ang mga anak ni Ismael.
32 - At ang mga anak ni Cethura, na babae ni Abraham: kaniyang ipinanganak si Zimram, at si Jocsan, at si Medan, at si Madian, at si Isbac, at si Sua. At ang mga anak ni Jocsan: si Seba, at si Dan.
33 - At ang mga anak ni Madian: si Epha, at si Epher, at si Henoch, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Cethura.
34 - At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac: si Esau, at si Israel.
35 - Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.
36 - Ang mga anak ni Eliphas: si Theman, at si Omar, si Sephi, at si Gatham, si Chenas, at si Timna, at si Amalec.
37 - Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza.
38 - At ang mga anak ni Seir: si Lotan at si Sobal at si Sibeon at si Ana, at si Dison at si Eser at si Disan.
39 - At ang mga anak ni Lotan: si Hori at si Homam: at si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.
40 - Ang mga anak ni Sobal: si Alian at si Manahach at si Ebal, si Sephi at si Onam. At ang mga anak ni Sibeon: si Aia at si Ana.
41 - Ang mga anak ni Ana: si Dison. At ang mga anak ni Dison: si Hamran at si Hesban at si Ithran at si Cheran.
42 - Ang mga anak ni Eser: si Bilham, at si Zaavan, at si Jaacan. Ang mga anak ni Disan: si Hus at si Aran.
43 - Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.
44 - At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya.
45 - At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya.
46 - At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith.
47 - At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya.
48 - At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.
49 - At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.
50 - At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.
51 - At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh;
52 - Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon;
53 - Ang pangulong Chenaz, ang pangulong Theman, ang pangulong Mibzar;
54 - Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Iram. Ito ang mga pangulo ng Edom.